CREATE bill, inaasahang mas magbibigay ng flexible tax incentives
By Kathleen Forbes - May 25, 2020 , 10:00 pm

Mas magiging flexible ang ibibigay na insentibo para sa mga korporasyon sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o CREATE bill ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda.

Ang CREATE ay ang bagong bersyon ng isinusulong na Corporate Income Tax and Incentives Reform Act o CITIRA na layong babaan ang corporate tax sa mga malalaking negosyo at korporasyon.

Sa isang statement, sinabi ni Salceda na sa ialim ng CREATE ay mas magiging mabilis ang pagpapababa sa corporate income tax.

Mula kasi sa orihinal na 1 percent kada taon ay gagwin na itong 5 percent sa unang taon at 1 porsyentong bawas na sa mga susunod na taon hanggang maabot ang 20%

Kasama rin sa CREATE ang pagbibigay ng 2 taong carro over period para sa kanilang net losses ngayong taon lalo’t marami sa mga negosyo ang naapektuhan ng COVID-19.

Pahahabain rin ng 4 hanggang 7 taon ang sunset provision para sa mga korporasyon na kasalukuyang nagbebenepisyo sa insentibo mula sa dating 2 to 5 years.

Inaasahan naman, ayon kay Salceda, na tuluyan nang maisasabatas ang panukala bago magtapos ang buwan ng Hunyo upang agad na makabenepisyo ang mga negosyo sa corporate income tax cut pagsapit naman ng Hulyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE