CSC, kinalampag ng isang mambabatas na maglabas ng mas mahigpit na alituntunin hinggil sa work from home scheme
By Kathleen Jean Forbes - March 23, 2021 , 12:50 pm

Pinaglalabas ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang Civil Service Commission (CSC) ng mas mahigpit na guidelines hinggil sa work from home scheme.

Puna ng mambabatas, marami pa ring government office ang pilit na pinapapasok sa opisina ang kanilang mga tauhan kahit maaari naman silang magtrabaho sa bahay.

Taliwas aniya ito sa hakbang ng pribadong sektor na hinahayaang magtrabaho remotely o offsite ang kanilang mga empleyado kung maaari namang sa bahay na lamang ito gawin.

Mismong ang kanyang komite aniya ay halos work from home na ang ginawa nang tumama ang pandemya nunit naging produktibo naman sa pagpapasa ng mahahalagang panukalang batas.

Bunsod nito hiniling ni Salceda sa CSC na maglabas ng panibago guidelines upang ipaalala sa government agencies na tanging ang mga essential workers lamang na kailangan onsite ang papupuntahin sa opisina.

Bukod sa nai-iwas na sa COVID-19 transmission ay nakakatipid din aniya sa gastos ang kompanya sa work from home scheme.

Una nang ipinag-utos ng Pangulong Duterte na ibaba sa 30% working capacity hangagng sa maximum na 50% ang operasyon ng tanggapan ng gobyerno sa General Community Quarantine (GCQ) areas.

YOU MIGHT ALSO LIKE