Customer Service ng Globe Telecom, mananatiling operational
By Michael Rogas - March 30, 2021 , 8:27 am

Sa kabila ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Mega Manila at paggunita ng buong bansa sa Semana Santa, inanunsyo ng Globe Telecom na mananatiling handa ang kanilang customer support assistance at bukas ang kanilang social media customer service channels para paglingkuran ang kanilang mga subscribers.

Sa isang anunsyo ng kompanya, hindi na maaari pang magtungo ng mga customers nito saan mang mga opisina dahil pwedeng gamitin ang mga apps para sa mga inquiries.

Nagpatupad kasi ng critical skeletal force ang Globe para sa mga service repair requests ng kanilang mga customers.

Para sa iba pang customer related inquiries ay magtungo lamang kayo sa globe.com.ph/contact-us.

Pinayuhan rin ng Globe ang publiko na hindi na kinakailangan pang lumabas ng inyong bahay para makapag-load.

Hinihikayat rin nila ang publiko na manatili na lamang ang mga customer nito sa kani-kanilang mga bahay habang patuloy sila sa pagbibigay ng #ExtraCareAtHome.

Sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ ay maaari namang pumunta sa pinakamalapit nilang mga loading stations.

YOU MIGHT ALSO LIKE