Cut off time at quota, pinuna ng ARTA sa 2 ahensya ng pamahalaan
By Michael Rogas - February 23, 2021 , 1:11 pm

Pinaalalahanan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga ahensya ng gobyerno na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng cut off at quota sa mga transaksyon sa mga tanggapan. 

Ito’y kasunod ng pagsita ng ARTA sa Registry of Deeds ng Maynila at Land Transportation Office (LTO) sa Taguig City. 

Sa surprise inspection ng ARTA sa Registry of Deeds sa Maynila kahapon, inireklamo ng mga tao sa labas ng nasabing tanggapan na hanggang alas-3 lamang umano ang transaksyon kahit hanggang alas-5 pa ang opisina. 

Maging ang LTO-Taguig City ay naglagay din daw ng quota para sa mga taong may business transaction. 

Ayon kay ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica, labag sa Republic Act 11032 O Ease of Doing Business Act ang ganitong mga patakaran dahil mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang dapat na transaksyon sa mga tanggapan ng pamahalaan. 

At kung sakaling umanong abutan ng hanggang alas-5 ng hapon, dapat pa ring pagsilbihan ang mga taong nasa bisinidad ng mga tanggapan at ang mga head of offices naman ang mag-adjust para sa overtime ng kanyang mga empleyado. 

YOU MIGHT ALSO LIKE