DA, naglaan pa ng ₱822-M para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ng bagyong Maring
By Rey Ferrer - October 14, 2021 , 1:37 pm

Nasa ₱822-million na halaga ng iba’t ibang interventions ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa magsasaka at mangingisda na sinalanta ng bagyong Maring.

Nais ni Agriculture Secretary William Dar na mabigyan agad ng agarang tulong at makarekober ang mga nasalanta na karamihan ay nasa Regions 1 at 2. at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa kabuuang ₱822-million assistance, ang ₱650-million dito ay inilaan para sa emergency loans sa ilalim ng SURE Calamity Loan Assistance Program ng DA-Agricultural Credit Policy Council.

Bawat benepisyaryo ay makakautang ng hanggang ₱20,000 na may zero interest, walang collateral, at babayaran sa loob ng 10 taon

Bukod sa agricultural loan, una nang naglaan ng ₱172-million na Quick Response Fund ang DA para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Sa pinakahuling ulat ng DA, lumobo pa sa ₱692-million pesos ang pinsala sa sektor ng agriķultura dulot ng nagdaang bagyo.

YOU MIGHT ALSO LIKE