Dagdag na energy power plants at pagkukunan ng kuryente, ipinanawagan ng House tax chief
October 13, 2021 , 9:13 am

Nagbabala si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa posibleng ‘energy crunch’ o pagtaas sa presyo ng kuryente at langis kasunod ng aniya’y historic na price increase ng traditional fossil fuel.

Inaasahan aniya na pagsapit ng mid-2022 ay makararanas ang buong mundo ng ‘energy crunch’ na malaki ang magiging epekto sa Pilipinas na naka-depende sa importation ng non-renewable energies.

Bunsod nito, pinakikilos ni Salceda ang Department of Energy na palawakin ang energy portfolio ng bansa o yung uri ng enerhiya na pagkukunan.

Kabilang dito ang pagdaragdag ng renewable energy plants at pagrepaso sa Renewable Energy Law.

Katunayan 24% lamang ang RE na ginagamit ng bansa gayong ang ideal mix ay 40% RE at 60% ang fossil fuel.

Pinasasama rin ni Salceda ang DOE sa national employment recovery strategy (NERS). Aniya ang pagtatayo ng dagdag na power plants ay makakalikha ng dagdag na trabaho.

Ang dagdag na planta ay magdudulot din ng mas mababang power cost na makakahikayat sa mas maraming investor na mamuhunan sa bansa na magbubukas din ng empleyo sa mga Pilipino.

YOU MIGHT ALSO LIKE