!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DOE, nanawagan ng kooperasyon sa power industry vs COVID-19
By Hajji Kaamiño - March 27, 2020 , 12:59 pm

Inatasan ng Department of Energy ang lahat ng participants sa Wholesale Electricity Spot Market na ipagpatuloy ang kanilang operasyon at sumunod sa umiiral na rules and regulations sa kabila ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Hakbang ito ng ahensya para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente kahit pa may banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, sa ganitong panahon ay kailangan ng kooperasyon mula sa power industry players kaya habang nilalabanan ang pagkalat ng virus ay dapat maipagpatuloy ang pagseserbisyo para sa kuryente sa bawat tahanan.

Aniya, hindi dahil mababa ang demand sa kuryente ngayon ay kailangan nang pagpahingahin ang operasyon.

May mga trading participants kasi mula sa WESM na humiling sa DOE na ihinto muna ang ilang generating units dahil sa ‘economic reasons’.

Pero giit ng Energy Department, sisiguruhin nitong bantay-sarado ang pagtalima ng trading participants base sa Rules at Market Manuals.

Nakasaad sa rules and regulations na papayagan lamang mag-shutdown ang generating units kung ang dahilan ay planned maintenance at puwersahang pagpapahinto dulot ng technical problem.

YOU MIGHT ALSO LIKE