EDSA Carousel Bus Augmentation, inihahanda na para sa Holy Week maintenance shutdown ng MRT-3
By Rey Ferrer - March 25, 2021 , 10:16 am

Inihahanda na ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 management ang EDSA Bus Carousel Augmentation Program para ayudahan ang mga regular na pasahero ng MRT-3 sa panahon ng Semana Santa.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, magpapatupad kasi ng maintenance shutdown ang MRT-3 sa buong rail line ngayong Holy Week.

Ide-deploy ang mga Public Utility Bus mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi simula March 30 hanggang April 4 ngayong taon.

Taunan nang ginagawa ang tigil-operasyon ng MRT-3 upang bigyang-daan ang maintenance rehabilitation activities sa linya.

Kabilang dito ang pagpapalit ng mga turnouts, paglalagay ng mga point machine, at pagkakabit at realignment ng mga CCTV units sa mga istasyon.

Magbabalik ang operasyon ng MRT-3 sa publiko sa Lunes, April 5.

YOU MIGHT ALSO LIKE