!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ganap na pag-ban sa online gambling sa Pilipinas, nakadepende kay Pangulong Duterte — Palasyo
By Racquel Bayan - August 21, 2019 , 8:55 pm

Ipinauubaya na ng Malacañang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya kaugnay sa panawagan ng China na ganap nang ipagbawal sa Pilipinas ang lahat ng porma ng online gambling.

Matatandaan na sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na ikinagagalak nila ang pagpapatigil ng PAGCOR sa pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong casino.

Umaasa aniya sila na tuluyan na ring ipagbawal ng Pilipinas ang online gambling operations sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang Pangulo lamang ang makakapagdesisyon sa bagay na dito.

Ang Pangulo lang rin aniya ang makakapagsabi kung posibleng gawin ito ng pamahalaan o hindi.

Gayunpaman sa kasalukuyan, magpapatuloy ang ipinatutupad na suspensyon ng PAGCOR sa pag-issue ng lisensya sa mga bagong casino.

YOU MIGHT ALSO LIKE