Greenhills Mall, magpapatupad ng ilang adjustment kasunod ng bagong guidelines
By Merry Ann Bastasa - March 23, 2021 , 1:55 pm

Inanunsyo ang pamunuan ng Greenhills Mall sa San Juan City ang ilang adjustment na ipatutupad nito kasunod ng inilabas na bagong General Community Quarantine (GCQ) guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa abiso nito, pansamantalang iiklian ang operating hours ng mall mula bukas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi tuwing Lunes hanggang Huwebes, na mae-extend naman ng alas-8 ng gabi tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Gaya ng ibang mall, mananatili pa rin aniyang bukas ang mga food establishments sa Greenhills ngunit lilimitahan lamang ito sa delivery, take-out, at al fresco dining.

Kaugnay nito, may mga naka-set up na ring tents at mga lamesa sa bahagi ng Connecticut Arcade na magsisilbing outdoor dining areas ng ilang restaurant sa mall.

Pansamantala muna ring isasara ang chapel sa loob ng mall.

Patuloy naman nitong hinihikayat ang mga customer na sumunod sa health protocols at huwag na ring magtungo sa mall kung sila ay pasok sa age restrictions.

YOU MIGHT ALSO LIKE