Grupo ng commuters, tinutulan ang ₱3 taas sa minimum fare
By Michael Rogas - October 13, 2021 , 12:25 pm

Natataasan ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa ₱3 na hiling na dagdag sa minimum fare ng mga jeepney drivers at operators

Kamakalawa naghain ng petisyon ang ilang driver at operator sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para taasan ang pamasahe dahil mataas ang gasolina sa ngayon.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, pangulo ng LCSP, batid nila ang pangangailangan ng mga driver pero dapat mabalanse ito sa hanay ng mga commuters o pasahero.

Para kay Inton, piso lamang ang naangkop sa dagdag pasahe imbes na ₱3.

Ngunit dapat ituloy pa rin ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong at suporta sa mga driver at operator lalo’t nasa gitna tayo ng pandemya kung saan limitado ang kapasidad na maaring isakay upang makasunod sa health protocol.

YOU MIGHT ALSO LIKE