!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Iba’t ibang task force ng QC, puspusang nagsasagawa ng clearing operations
By Tess Ramirez - September 11, 2019 , 12:54 am

Puspusang nagsasagawa ng clearing operations ang iba’t ibang task force ng Quezon City.

Sama-sama sa naturang hakbang ang Task Force Disiplina, Task Force Control Prevention and Removal of All Illegal structures & Squatting, at Task Force on Solid Waste Collection & Disposal Services Management, katuwang ang Department of Public Order & Safety (DPOS) sa paggiba ng iba’t ibang istruktura.

Pinakahuling giniba at kinumpiska ang natuklasang video karera gambling machine sa Brgy. Novaliches proper, Quezon City kung saan nakatakda ring sampahan ng kaso ang illegal gambling operator nito

Habang waiting shed naman sa Lakandula St.,.Brgy Marilag ang giniba rin, pagkat mapanganib na sa kalusugan ng mga residente ang kinakalawang nang pundasyon nito.

Matatandaang hindi napasama sa DILG list ang Quezon City sa mga LGU sa NCR na may mataas na compliance sa clearing operations at ang kalakihan ng lungsod ang itinuturong dahilan ni mayor Joy belmonte.  Kaya doble kayod ngayon ang ibat ibang task force ng lungsod Quezon.

YOU MIGHT ALSO LIKE