Mababang utilization ng minimum access volume, dahilan din ng mataas na presyo ng karneng baboy
By Kathleen Jean Forbes - March 25, 2021 , 10:36 am

Pinuna ni Marikina Representative Stella Quimbo ang mababang utilization o paggamit sa minimum access volume o MAV sa pag-aangkat ng karneng baboy.

Batay aniya sa datos na lumabas sa pagdinig ng Kamara, hanggang 70% lamang ng kasalukuyang MAV ang nagagamit.

Bunsod nito, kinuwestyon ng mambabatas na isa ring ekonomista ang rekomendasyon na itaas ng 649% ang MAV gayong hindi naman nagagamit ng mga importers ang kanilang kakayahan na mag-angkat.

Dagdag pa ng kinatawan na kung tutuusin ay mas kikita pa ang mga importers sa pag-aangkat ngayon na mababa ang local supply ng baboy.

At dahil bitin ang dami ng mga inaangkat na karne ng baboy, nananatiling mataas ang presyuhan sa mga pamilihan.

Aniya, hangga’t hindi pa makakapagbigay ng sapat na datos at analysis ang Department of Agriculture (DA) at Tariff Commission tungkol sa import volumes sa ilalim ng mas mababang taripa ay hindi muna dapat ipatupad ang mas mataas na MAV.

YOU MIGHT ALSO LIKE