Mabilis na pagpasa ng 2020 budget, ipinanawagan ni House Majority Leader Martin Romualdez 
By Kathleen Jean Forbes - August 14, 2019 , 11:25 am

Nakiusap si House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa Visayan bloc, na makiisa sa mabilis na pagpapasa ng proposed P4.1 Trillion 2020 National Budget.

Hiniling ni Romualdez ang tulong ng 44 na miyembro ng Visayan bloc, kung saan siya kabilang, para maisumite ang pambansang pondo bago ang unang break ng Kongreso sa October 5.

Inatasan na aniya sila ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magsagawa ng continuous at simultaneous budget hearing at makipag-coordinate sa economic managers.

Pero, pagtitiyak ni Romualdez na bubusisiing mabuti ng mga mambabatas ang bawat sentimo sa pambansang budget, upang matiyak na ang mamamayan ang tunay na makikinabang dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE