Manila Water, bumaba ang kita sa first half ng 2019 
By Tess Ramirez - August 14, 2019 , 9:49 am

Bumaba ang kita ng water concessionaire na Manila Water sa unang anim na buwan ng taon.

Sa kinitang P2.9 billion sa first half ng 2019, 18% na mas mababa ito kung ikukumpara sa net income noong nakaraang taon, na isinisisi sa water supply shortage na tumama sa Manila concession business.

Sa pinagsama-samang kita ay tumaas nang 7%, na umabot sa mahigit P10 bilyong dahil sa pagdagsa ng mga nasingil, at pagiging epektibo ng pagtataas ng taripa sa maraming key business units.

Gayunman, naapektuhan ito ng ipinatupad na ‘one-time bill waiver program’ para asistihan ang mga apektadong kostumer.

Sa labas naman ng East Zone, tumaas naman ang ‘earnings contribution’ ng domestic business operations at wala namang paggalaw sa ‘foreign operations’.

Samantala, ang bagong business developments ay patuloy namang naglalaan ng ‘market expansion’ at oportunidad sa bagong sektor.

YOU MIGHT ALSO LIKE