!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Meat importers, traders, kampante na kaya ng DA na tugunan ang problema sa African Swine Fever
By Rey Ferrer - September 11, 2019 , 6:53 am

Tiwala ang grupo ng mga meat importers at traders na hindi lalala ang kaso ng African Swine Fever sa bansa.

Naniniwala si Jesus Cham, pangulo ng Meat Importers and Traders Association, na ginagawa ng pamahalaan at meat producers ang lahat upang makontrol ang sitwasyon at ganap na malutas ang sakit sa alagaing baboy.

Tama lang aniya ang pagpapatupad ng Agriculture department sa 1-7-10 Protocol para sa wastong pamamahala, pagkontrol sa suspected swine disease bago pa man inilabas ang confirmatory test sa blood sample ng baboy.

Sa panig naman ng Department of Agriculture  (DA), mas agresibo nang ipinatutupad ng mga Quick Response Teams at DA Regional Field Offices ang mga hakbang upang makontrol ang paglala ng sakit sa mga baboy.

Dagdag pa ni Cham, kailangan din aniya ang kooperasyon ng publiko at pagiging transparent ng mga hog raisers sa mga kinauukulan.

YOU MIGHT ALSO LIKE