!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Meralco, magbabawas ng singil sa September bill
By Janet Bayan - September 10, 2019 , 9:57 am

Magbababa ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Setyembre.

Ayon sa Meralco, ang bawas singil ay bunsod ng maayos na suplay ng kuryente.

Aabot sa 14 na sentimos kada kilowatt hour ang mababawas sa singil ngayong buwan.

Ang mga consumer na kumokonsumo ng 200 kilowat hour kada buwan ay makakaramdam ng P29.16 pagbaba sa kanilang bayarin.

Samantalang P43.74 naman ang mababawas sa mga kumokonsumo ng 300 kwh, P58.32 ang bawas singil sa 400 kwh, at P72.90 sa 500kwh.

Pasok din sa bill ng September ang refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC), kaugnay ng sobrang nasingil sa mga konsumer.

YOU MIGHT ALSO LIKE