MERALCO, may dagdag na singil sa kuryente ngayong Abril
By Merry Ann Bastasa - April 8, 2021 , 5:01 pm

Asahan na ang mas mataas na electric bill ngayong buwan ng Abril.

Ito ang inanunsyo ngayong araw ng MERALCO kasunod ng pagpapatupad ng ₱0.087 na dagdag singil per kilowatt hour.

Dagdag na ₱17 ito sa electricity bill na papasanin ng isang consumer na gumagamit ng average 200 kilowatt per hour habang aabot naman sa ₱44 para sa kumukonsumo ng 500 kilowatt per hour.

Paliwanag dito ng MERALCO, bahagyang tumaas ang halaga ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM), kaya naman, nagkaroon din ng adjustment sa generation charge.

Pangunahing nakaapekto umano dito ang bahagyang pagnipis ng suplay sa Luzon grid.

Samantala, sinabi ng MERALCO na nakapaloob pa rin dito ang naaprubahang pass-through over/under-recoveries ng Energy Regulatory Commission.

YOU MIGHT ALSO LIKE