Meralco, tiniyak na walang mapuputulan ng kuryente hanggang Aug. 31
By Merry Ann Bastasa - June 30, 2020 , 12:09 pm

Walang ipatutupad na disconnection activities ang Manila Electric Company o Meralco hanggang sa August 31.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, walang dapat ipag-alala ang mga consumer na hindi pa nakakabayad ng kanilang bill dahil wala pa silang ilalabas na disconnection notice sa mga susunod na buwan na posible pang ma-extend hanggang Setyembre.

Kasama na rito ang mga consumer na nagsisimula pa lang magbayad sa installment ng naipong bill sa mga nakalipas na buwan.

Binigyan-diin ng Meralco na sa kasalukuyan, nakatutok sila sa pagtitiyak na mayroong maayos na suplay ng kuryente sa bawat tahanan.

Abala rin umano sila sa pagpapaliwanag sa kanilang mga customer na may reklamo kaugnay ng mataas nilang electric bill.

Nauna nang inatasan ng Energy Regulatory Commission ang Meralco na magpaliwanag kaugnay ng naranasang bill shock ng kanilang mga customer.

 

YOU MIGHT ALSO LIKE