Basurero, street sweepers, umaapela ng ayuda matapos mapaso ang kontrata ng kumpanya sa QC LGU
By Michael Rogas - May 25, 2020 , 6:16 pm

Humihingi ng tulong mula sa kanilang dating kumpanya ang mahigit 400 mga basurero, street sweeper, at driver ng isang garbage collector company na tinanggal bilang garbage contractor sa Quezon City.

Ayon kay Edwin Tolentino, kinatawan ng mga garbage colelctor, hindi na ni-renew ng Quezon City government ang kontrata nito sa IPM Contractor Development Corporation.

Ang IPM company ay isa lamang sa apat na garbage collector na kinuha ng Quezon City LGU na napaso na ang kontrata.

Ngunit nang matapos daw ang kontrata ay tila iniwanan na ng IPM ang mga empleyado nito na hindi man lang sila nabigyan ng mga benepisyo.

Dobke dagok daw ito sa mga basurero at street sweeper dahil bukod sa COVID pandemic ay nawalan pa sila ng hanapbuhay.

Sa panig naman ng IPM, sinabi ng VP for Legal na si Roland Mesia, hindi pa napuntahan ng kumpanyang kinuha nilang sub contractor para makipagdayalogo sa mga basurero at street sweeper.

Ngunit, hindi naman daw nila pababayaan ang mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil ililipat naman nila ito sa ibang proyekto ng kumpanya.

Mayroon din umanong ayuda silang ibinigay sa mga ito habang ibibigay din ang mga benepisyo sakaling hindi nila tanggapin ang ibang assignment.

YOU MIGHT ALSO LIKE