Mga ekonomista sa bansa, suportado ang economic cha-cha
By Kathleen Jean Forbes - January 13, 2021 , 9:30 pm

Nagkaisa ang karamihan sa mga economic specialist ng bansa na napapanahon na ang pag-amyenda sa economic provisions ng ating konstitusyon.

Ayon kay Former National Economic and Development Authority (NEDA) Sec Gen. Gerardo Sicat, pagpapakita ito sa ibang nasyon na bukas na ang Pilipinas sa pagbabago.

Makatutulong naman ito upang mapagbuti ang kalidad ng paglago ng ekonomiya ng bansa ayon kay Former NEDA Sec Gen. Ernesto Pernia.

Aniya hindi dapat makampante ang Pilipinas sa 5-6 percent na GDP Growth.

Kumpara aniya sa ating mga karatig bansa ang nagtutulak sa ating ekonomiya at consumer spending taliwas sa domestic at foreign investment sa ibang nasyon sa Asya.

Suportado rin ng academician, economist at National Scientist na si Dr. Raul Fabella ang isinusulong na constitutional reform ngunit babala nito na magkaroon dapat ng malinaw na pahiwatig sa foreign investors.

Sa kabila aniya kasi ng pagsusulong ng economic chacha ay nakabinbin din ang pagsasabatas ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) na magtataas sa ipinapataw na effective tax rates sa mga foreign direct investments (FDI) sa loob ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

YOU MIGHT ALSO LIKE