Mga lalawigang nasa ilalim na ng MGCQ, balik operasyon na ng mga sinehan — Sec. Roque
By Alvin Baltazar - February 22, 2021 , 11:00 am

Iginit ng Palasyo na wala namang problema kung muli nang magbukas ang mga sinehan sa Metro Manila.

Reperensiya dito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ay ang pagbubukas nang muli ng mga sinehan sa mga lalawigan na aniya’y wala namang naiulat na may bumangong aberya.

Every other seat naman aniya ang set up sa mga sinehan na siyang sistemang ginagawa sa mga probinsiya.

Pati mga arcade ani Roque ay muli na ding nakapag-ooperate na tanging dito lang aniya sa Metro Manila mahirap isipin na mayroon nang sinehan at mayroon nang libangan gaya ng mga gaming zones.

Bagamat nasa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) ay una nang napagkasunduan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na muli nang makapagpalabas ng pelikila sa mga sinehan subalit ito naman ay tinutulan ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila.

YOU MIGHT ALSO LIKE