Mga sinehan sa MGCQ areas, di pa nakakabawi ng kita — DTI
By Hajji Kaamiño - February 22, 2021 , 7:00 pm

Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na ligtas pa ring ituloy ang pagbubukas ng mga sinehan sa General Community Quarantine (GCQ) areas kasama na ang Metro Manila kahit paparating pa lang ang COVID-19 vaccine.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas kung saan pinapayagan na ang traditional cinemas ay isang porsiyento lamang ang nanonood sa kabila ng ipinatutupad na 50 percent capacity.

Lugi pa rin aniya ang industriya kung tutuusin kaya 148 mula sa mahigit 500 sinehan pa lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ ang nag-o-operate.

Upang mapawi ang pangamba ng local government units ay inirerekomenda ng DTI na simulan sa 20 o 30 percent capacity ang implementasyon sa traditional cinemas.

Giit pa ng kalihim, maibabalik ng reopening ng sinehan ang trabaho ng ticket sellers, projectionists, maintenance personnel, at iba pang nagtatrabaho sa naturang sektor.

YOU MIGHT ALSO LIKE