Mga tsuper at konduktor na apektado ng PUV Modernization Program, bibigyan ng livelihood assistance
By Rey Ferrer - October 12, 2021 , 1:01 pm

Mabibigyan na ng livelihood assistance ang bawat tsuper, operator, konduktor, at mga miyembro ng kooperatiba na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ito’y sa pamamagitan ng “enTSUPERneur Program” na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mabibigyan ng pagkakataon ang benepisyaryo na makapagtayo, makapagtrabaho, at makapagsimula ng negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance at paunang kapital.

Bahagi rin ng programa ang entrepreneurial-related training, businesses management orientation, business capital para sa kinakailangang kagamitan, micro-insurance, at ang pagbibigay ng iba pang suporta at monitoring activities.

YOU MIGHT ALSO LIKE