Nakatakdang ATM transaction fee hike ng mga bangko, pahirap sa 4Ps beneficiaries at mga pensyonado
By Kathleen Jean Forbes - February 26, 2021 , 6:59 am

Pinalagan ni Makati Representative Luis Campos ang naka-ambang pagpapatupad ng ATM transaction fee hike ng ilang mga bangko sa Abril.

Diin ng mambabatas, pinaka-maaapektuhan nito ay ang mga government pensioners at 4Ps beneficiaries.

Bagamat libre o walang dagdag transaction fee kung sa mismong LandBank mag-wi-withdraw ang mga ito, ay kulang naman ang LBP terminals sa bansa.

Nasa 2,188 lamang aniya ang ATM terminals ng LBP kaya’t mapipilitan ang mga LBP account holders na sa ibang mga bangko mag-withdraw ng benepisyo at pension.

Nasa 4.4 milyong pamilya ang nasa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 3.1 million ang pensionado ng Social Security System at Government Service Insurance System, at 1.8 million national at local government employees ang pawang mga LandBank cardholder.

Bunsod nito muling ipinanawagan ni Campos sa Bangko Sentral ng Pilipinas na ipagpaliban muna ang taas singil lsa transaction fee.

Simula April 7, mula sa kasalukuyang ₱10-₱11 na ATM transaction fee ng nangungunang private commercial banks, ay tataas na ito ng hanggang ₱18.

YOU MIGHT ALSO LIKE