‘No Appointment, No Entry’ policy, ipinatutupad sa tanggapan ng POEA
By Merry Ann Bastasa - September 16, 2020 , 2:27 pm

Nagpaalala ngayon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa lahat ng mga indibidwal na nais magtungo sa tanggapan nito na kumuha muna ng appointment.

Ipatutupad na rin kase sa POEA ang “No Appointment, No Entry” policy sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Sa memo na inilabas ni POEA Chief Bernard Olalia, nakasaad na sakop ng naturang polisiya ang lahat ng kliyente ng ahensya maliban na lamang sa mga Balik Manggagawa OFWs, mga indibidwal na gumamit ng Records Online Appointment System, mga kawani ng pamahalaan, at private corporations na bahagi ng One-Stop Shop Center for OFWs.

Sa ilalim nito, kailangan magpa-book muna ng appointment ang kliyente sa pamamagitan ng POEA online appointment system.

Ayon kay Olalia, layon nitong mabawasan ang mga face-to-face transactions na posibleng maghatid ng transmission ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, ina-adopt rin ng ahensya ang online system para sa regular transactions nito habang ang mga mangangailangan ng personal apperances ay para sa kliyenteng kailangang magsumite ng dokumento.

Kaugnay nito, lahat naman ng mga indibidwal na dadaan sa face-to-face transactions ay kailangang ideklara ang kanilang health status.

YOU MIGHT ALSO LIKE