!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Operasyon ng mga pampublikong palengke sa Caloocan, mas pahahabain
By Jesson Luis Tamondong - March 27, 2020 , 6:46 am

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na mas pahahabain na ang oras ng operasyon ng mga pampublikong palengkes sa Caloocan simula ngayong araw.

Ayon sa Caloocan LGU, ginawa ang nasabing hakbangin matapos ang mga ginawang pag-aaral, konsultasyon at rekomendasyon ng Caloocan Task Force COVID-19 (CTFC).

Simula ngayong araw bukas na ang nasa 20 pampublikong palengke sa lungsod simula ala-sais ng umaga hanggang ala-sais ng gabi upang bigyan ng pagkakataaon ang mga residente na makabili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Kailangan lamang umanong dala ng mga residente ang kanilang mga Home Quarantine Pass (HQP) at susundin ang pinapairal na social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na patuloy silang magbibigay ng food packs sa mga residente ng Caloocan na higit na nangangailangan.

YOU MIGHT ALSO LIKE