P1-B, inilaan ng SMC para sa bakuna ng kanilang mga empleyado
By Michael Rogas - February 23, 2021 , 6:23 pm

Sinimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang pakikipagtulungan sa Food and Drugs Administration (FDA), para makabili sila ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay kasunod ng paglalaan ng P1 bilyong piso ng kumpanya, para makabili ng bakuna sa pamamagitan ng tripartite agreement.

Ayon kay SMC President Ramon Ang, nais niyang mabigyan ng bakuna ang lahat ng kanilang empleyado na aabot sa 70,000 sa buong bansa.

Libreng ibibigay ang naturang mga bakuna sa kanilang mga empleyado, para matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo.

Ngunit kahit bibili ang San Miguel Corporation ng kanilang bakuna, susunod pa rin daw sila sa mga patakaran sa pagbili ng bakuna.

Kung sakaling mayroon ng bakuna na naiturok sa kanilang mga empleyado, ay mananatili pa rin ang mahigpit na safety protocols sa lahat ng opisina at mga planta.

YOU MIGHT ALSO LIKE