!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PACC, tiniyak na matatapos ngayong taon ang ginagawang lifestyle check sa may 200 gov’t officials
By Alvin Baltazar - August 14, 2019 , 4:50 pm

Tiniyak ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na kaya nilang tapusin ngayong taon ang ginagawang lifestyle check sa may 200 na mga opisyales ng pamahalaan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Department of Transportation (DOTr), Bureau of Customs (BoC) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilan sa 200 government officials na sumasailalim sa lifestyle check.

Mayroon ding mga opisyal na subject for lifestyle check na galing sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Una aniyang iimbestigahan ang top officials, o ang mga nasa mataas na puwesto, habang prayoridad naman o unang isinalang sa lifestyle check ang PCSO officials.

Mababatid na una ng ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng lahat ng gaming activites ng PCSO, dahil sa usapin ng iregularidad pero, agad ding ibinalik ang operasyon ng Lotto.

YOU MIGHT ALSO LIKE