Pagdinig ng Blue Ribbon Committee tungkol sa mga anomalya sa PhilHealth, paratang ng ‘conflict of interest’ laban kay DOH Sec. Duque III, natuloy
By Nimfa Asuncion - August 14, 2019 , 3:08 pm

Natuloy ang pagdinig ang Senado kaninang umaga ukol sa mga anomalya sa PhilHealth at sa akusasyon ng ‘conflict of interest’ laban kay Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Ang pagdinig ay pinangunahan ng Senate Blue Ribbon Committee, katuwang ang Committee on Health.

Matatandaang nakansela ang una nang nai-schedule na pagdinig na ito noong nakaraang Huwebes.

Kabilang sa mga tinalakay ang privilege speech ni Senador Panfilo Lacson kung saan inaakusahan nito si Duque ng ‘conflict of interest’ sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Health Department.

Diumano ay ilang kontrata ng gobyerno ang napunta sa kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya Duque, kabilang na diyan ang mga proyektong may kaugnayan sa pinamumunuan niyang ahensya.

Tinalakay sa Senate inquiry ang mga kontrobersiya sa PhilHealth gaya ng kontrobersiya sa ‘ghost’ dialysis treatment sa kumpanyang WellMed, overpayment sa mga ospital at overstaying ng mga pasyente.

YOU MIGHT ALSO LIKE