Senate hearing sa ABS-CBN issue, di lilimitahan sa ilang personalidad
By Rey Ferrer - February 20, 2020 , 11:21 pm

Bukas sa lahat at hindi lilimitahan ang mga personalidad na iimbitahan sa gagawing pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal.

Sa media forum sa Quezon City, sinabi ni Senador Win Gatchalian na wala pang listahan ng mga taong naimbitahan na maging resource persons sa pagdinig sa Lunes.

Bubuksan aniya ang pagdinig sa mga indibidwal o grupo na may alam sa isyu ng prangkisa.

Aniya, lahat ay sisilipin sa pagdinig lalo na ang sinasabing mga paglabag umano ng giant TV network.

Una nang inimbitahan ang National Telecommunications Commission (NTC) para matanong sa isyu ng franchise renewal.

Tikom naman ang bibig ng senador kung kasama sa mga iimbitahan ang mga pamilya Lopez sa naturang usapin.

YOU MIGHT ALSO LIKE