!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagkakakulong ng suspek sa pagpatay sa isang OFW sa Kuwait, isang tagumpay — DOLE Sec.  Bello 
By Jesson Tamondong - September 11, 2019 , 12:44 am

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na isang tagumpay ang paghatol ng Syrian court ng “guilty” kay Mouna Ali Hassoun sa kasong murder dahil sa karumaldumal na pagpaslang nito sa isang OFW na si Joana Demafelis na itinago sa loob ng freezer noong 2018.

Ayon sa kalihim, maituturing itong tagumpay para sa karapatan ng mga OFWs dahil nakamit na ni Demafelis ang katarungan sa mapait na sinapit nito sa dayuhang amo.   Maari umanong makulong mula walo hanggang labinlimang taon ang suspek, alinsunod sa umiiral na Syrian Law.

Nagpasalamat din ang kalihim sa gobyerno ng Syria sa ipinataw na sentensya sa akusado.  Ayon kay Bello, naaayon ito sa hinahangad na katarungan ng nasawing OFW at ng naiwang pamilya nito.

Matatandaang pansamantalang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait matapos mapag-alaman ng pamahalaan ang sinapit ni Demafelis sa kanyang amo doon.

YOU MIGHT ALSO LIKE