Pagpapahintulot sa pagbili ng mga dayuhan ng lupain sa bansa, dapat lagyan ng rekisitos oras na maisakatuparan ang economic Cha-Cha
By Kathleen Jean Forbes - January 14, 2021 , 8:27 am

Suportado ni Marikina Representative Stella Quimbo ang pagpapahintulot sa mga dayuhan na mag-may-ari ng lupa sa Pilipinas.

Sa isinagawang pag-dinig ng Kamara sa Resolution of Both Houses 2 na nagtutulak sa economic charter change, sinabi ni Quimbo na kung mapapaunlad naman ng dayuhan ang naturang lupain ay hayaan na makabili ito ng lupa.

Batay sa section 7 ng Article 12 ng saligang batas, hindi maaaring mag-may ari ng lupain sa Pilipinas ang isang alien o dayuhan.

Kabilang ang probisyong ito sa mga nais amyendahan ng mga mambabatas.

Paglilinaw naman ni Quimbo, sakaling pahintulutan dapat ay lagyan ito ng safeguards.

Inihalimbawa nito ang bansang Thailand kung saan may exemptions sa pag-mamayari tulad ng kung ito ay para sa residential, commercial activities sa tourist spots o para sa negosyo sa loob ng mga economic zones.

Kung sakali rin aniyang mapagkalooban ng lupa at naging idle ito o hindi nagamit ay maaari itong ibalik sa pamahalaan.

Sinegunahan ito ni dating NEDA Sec. Gen Ernesto Pernia.

Aniya maaaring gawing batayan kung gagamitin ba ang lupain sa industrial o economic activity na mag-reresulta sa trabaho para sa acquisition ng isang foreign national.

YOU MIGHT ALSO LIKE