Palasyo, nananawagan sa mga LGUs na mag-provide ng bike lane para sa publiko
By Racquel Bayan - May 25, 2020 , 9:54 pm

Nananawagan ang Palasyo sa mga LGUs na mag-provide ng bike lane para sa publiko, sa gitna ng mga community quarantine na umiiral sa bansa dahil sa COVID pandemic.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung papayagan na ba ang mas maraming pampublikong sasakyan sakaling ibaba na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at mas marami ng mangagawa ang papayagang makapagtrabaho.

Ayon kay Secretary Roque, mayroon naman ng mga umiiral nang guidelines ang IATF sa kasalukuyan. Tulad ng 10-15% na public transport sa GCQ at hanggang 50% na capacity sa oras na magkaroon na ng Modified GCQ.

Gayunpaman, sinabi ng kalihim na sa panahon ngayon kung kailan limitado ang transportasyon na maaaring magamit ng publiko sa iba’t – ibang lugar sa bansa, malaki aniya ang maitutulong kung magbibigay ng bike lanes ang mga LGUs.

YOU MIGHT ALSO LIKE