Palasyo, tiniyak ang tulong ng pamahalaan para sa mga maaapektuhan ng pinalawig na GCQ sa ilang lugar sa bansa
By Alvin Baltazar - February 26, 2021 , 8:09 am

Nakalatag na ang mga hakbangin ng gobyerno para sa mga patuloy na maaapektuhan ng muling pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) sa ilang lugar kung saka-sakali man.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ilan aniya sa mga pamamaraang ito ang karagdagang pondo na hinihingi ng Labor Department para sa kanilang mga emergency cash-for-work program.

Paliwanag ni Roque, habang hindi pa kasi tuluyang nagbubukas ang ekonomiya ay marami pa rin ang nangailangan ng suporta, kahit man lamang mabigyan sila ng pansamantalang hanapbuhay.

Kasama rin ani Roque dito ang pagpapaigting at pagpapalawig ng mga pautang o loan programs ng pamahalaan at ang patuloy na pagpapatupad ng Bayanihan 2, kabilang na ang mga anti-poverty programs ng gobyerno na paglalaanan ng pondo mula sa national budget.

YOU MIGHT ALSO LIKE