!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
‘Pantawid sa Walang Pasada,’ pinapanawagan ni Senadora Grace Poe
By Nimfa Asuncion - March 27, 2020 , 10:07 pm

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na i-realign ang nasa Php 17 billion na idle fund ng Department of Transportation (DOTr) para suportahan ang mga driver ng public utility vehicles (PUV) na napilitang magtigil pasada dahil sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Poe, ang labing pitong milyong pisong pondo na ito ay maaaring hugutin mula sa mga programa at proyekto ng DOTr na hindi naman maipapatupad dahil sa kinakaharap na COVID-19 crisis ng Pilipinas.

Aniya, ang pondo sanang pangtayo ng proyekto ay dapat ipamigay na lamang sa mga drayber upang maipambili nila ng pagkain ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan at ng kanilang mga pamilya.

Bukod dito, sinabi rin ni poe na maaaring gamitin ang 30 percent incremental revenue mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nakalaan sana para sa mitigation measures gaya ng fuel vouchers ng mga jeepney drivers.

Sa datos ng Senadora, nasa 130,000 jeepney drivers at 65,000 transport network vehicle service (TNVS) drivers ang mayroon sa buong bansa.

Samantalang dito sa Metro Manila ay mayroon namang 13,000 bus driver at 47,000 motorcyle taxi drivers.

Sa ilalim ng bagong pasang ‘Bayanihan to Heal as One Act’, may kapangyarihan na si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-realign ng ilang bahagi ng pambansang pondo upang magamit sa pangangailangan ng mga mamamayan sa krisis sa COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE