Panukala para sa internet data roll-over scheme, lusot na sa komite sa Kamara
By Kathleen Jean Forbes - February 26, 2021 , 7:31 am

Pinagtibay ng House Committee on Information and Communications Technology ang unnumbered substitute bill na layong itaguyod ang isang roll-over data allocation scheme.

Oras na maisabatas, binibigyang mandato ang mga internet service providers na magpatupad ng roll-over scheme sa sobra o hindi magagamit na internet data ng kanilang subscribers.

Ito ay para matiyak na mapakikinabangan pa rin ng mga customer ang kabuuan ng data allocation na kanilang binayaran.

Sa ilalim nito ay inaatasan ang internet service providers na i-carry over o palawigin ang hindi nagamit o sobrang data allocation ng customer.

Maaari rin magamit ang naturang carry over data bilang rebates.

YOU MIGHT ALSO LIKE