Panukalang amyenda sa konstitusyon, makatutulong na mapanatili ang ‘attractiveness’ ng Pilipinas bilang investment destination
By Kathleen Forbes - February 22, 2021 , 6:02 pm

Positibo si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na lalo pang makakakuha ng atensyon ang Pilipinas bilang investment destination, oras na maamyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.

Ito ay matapos maging pam-pito ang Pilipinas bilang most promising country o destination for overseas operations, sa isinagawang survey ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC).

Paliwanag ni Salceda, kailangan maipakita ng bansa na handa na talaga itong tumanggap ng investment sa pamamagitan ng pagbubukas ng ating ekonomiya.

Bukod dito, kailangan matiyak na maipatutupad ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Aniya, isa sa bentahe ng mga major investment destination tulad ng Singapore at Vietnam, ay ang episyenteng investment promotion.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit maraming engineers, industry experts, at managers sa kanilang employment ranks.

Batay sa survey, isa ang Pilipinas, kasama ang Myanmar at Malaysia, sa mga popular na destinasyon para sa Japanese manufacturers.

Pang lima ang Pilipinas para sa electrical equipment at electronic industry, at pang walo para sa automobile at general machinery.

Dagdag pa ni Salceda, kailangan pagbutihin pa ang ease of doing business ng pamahalaan, at paigtingin ang paghahanda at tugon sa climate resiliency, pati na sa posibleng panibagong pandemya o health emergency sa hinaharap.

YOU MIGHT ALSO LIKE