!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Panukalang batas para sa paglikha ng Davao Int’l Airport Authority, nilagdaan ng Pangulong Duterte
By Alvin Batazar - September 10, 2019 , 1:20 pm

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas para sa pagtatayo ng Davao International Airport Authority (DIAA).

Batay sa isinasaad ng Republic Act No. 11457, tututukan ng Davao International Airport Authority ang pangangasiwa sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City at iba pang mga paliparan sa rehiyon ng Davao.

Layunin ng bagong body na i-develop o mapaunlad pa ang air traffic sa Davao Region para maging sentro ito ng negosyo at turismo.

Kasama rin sa tututukan ng DIAA na pagandahin ang pasilidad ng Francisco Bangoy International Authority habang ito rin ang bubuo ng international acceptable standards pagdating sa airport accommodation at service.

Magkakaroon ng Board of Directors ang Davao International Airport Authority na pangungunahan ng kalihim ng Department of Transportation bilang chairman, general manager bilang vice chairman at 13 miyembro.

Kabilang dito ang isang representante ng Civil Aviation Authority of the Philippines, mga secretaries mula sa Department of Finance, Department of Justice, Department of Health, Department of Agriculture at Department of Tourism, at ilang taga-pribadong sektor.

Nilagdaan ng Pangulo ang nasabing batas nitong nakaraang Agosto 30.

YOU MIGHT ALSO LIKE