!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Panukalang pag-amiyenda sa Foreign Investment Act, lusot na sa Kamara
By Kathleen Jean Forbes - September 10, 2019 , 8:16 am

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala para amiyendahan ang RA 7042 o ang “Foreign Investment Act of 1991”.

Sa botong 201 na YES, anim na NO at pito na ABSTAIN ay nakalusot pa rin ang House Bill 300 na naglalayong luwagan ang restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Sa oras na maging ganap na batas ay ibababa sa 15 mula sa 50 ang minimum employment requirement ng direct local hires sa mga small at medium domestic enterprises na itinatag ng mga foreign investors.

Maaari na ring makapagbukas ng negosyo at mamuhunan ang mga dayuhan sa halagang $100,000.

Pagtitiyak naman ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda na siyang pangunahing may-akda ng panukala na hindi maaapektuhan ang local industry.

Aniya, maglalatag ng mga kategorya kung saan may mga industriya na hindi naman papayagan na dayuhan ang magtrabaho at manungkulan.

YOU MIGHT ALSO LIKE