Senador Richard Gordon, nagbabala sa posibleng epekto ng pagbawi ng ilan sa mga insentibong binibigay ngayon sa mga negosyante sa bansa
By Nimfa Mae Asuncion - October 16, 2020 , 8:06 pm

Nagbabala si Senador Richard Gordon laban sa pagpapatupad ng mga bagong panuntunang maaaring hindi maging kaaya aya sa mga mamumuhunan sa bansa.

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng Senado sa Senate Bill 1357 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill, nanawagan si Gordon sa kanyang mga kapwa senador na pag isipan muna ang magiging long term effect ng rasyonalisasyon ng mga insentibong kasalukuyang ginagawad ng investment promotion agencies, kabilang na dito ang mga freeport at special economic zones ng bansa.

Giit ng senador, ngayong may oportunidad para sa Pilipinas na akitin ang mga mamumuhunang umaalis ng china, kritikal na baguhin ngayon ang ating mga panuntunan at batas sa pagnenegosyo.

Ayon sa senador, ang pagbawi ng ilan sa mga insentibong ito ay maaaring maging dahilan ng pag alis ng mga mamumuhunang kasalukuyan nang nagnenegosyo dito sa pilipinas.

At dagdag na kawalan pa na hindi natin mahihikayat ang mga investor na umaalis ngayon ng China.

Binigyang diin ng senador, na kailangang kailangan natin ang mga mamumuhunan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic kung kailan maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at lubog ang ekonomiya ng bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE