Taas presyo sa LPG, aarangkada bukas
By Michael Rogas - July 31, 2020 , 6:48 pm

Magpapatupad ng dagdag presyo ng liquified petroleum gas o LPG ang Petron.

Sa public advisory ng kumpanya, P0.15 kada kilogram ang itataas simula mamayang alas-12:01 ng umaga, August 1.

Samantala, meron ding dagdag presyo ang AutoLPG kung saan P0.10 kada litro ang itataas.

Paliwanag ng kumpanya, tataas din kasi ang international contract price ng LPG simula bukas, buwan ng August.

YOU MIGHT ALSO LIKE