Tourism activities sa Samal Island, muling bubuksan sa publiko
By Sheila Lisondra | RP1 Davao - February 24, 2021 , 9:52 am

Muli nang bubuksan sa publiko ang ilang tourism establishments sa Island Garden City of Samal (IGACoS) simula ngayong March 1.

Ayon kay IGaCoS Mayor Al David Uy, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang apela sa muling pagbabalik ng tourism activities sa isla lalo na’t nananatiling nasa mababa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Samal.

Ngunit binigyang linaw ng opisyal na tanging ang mga resorts na pinapayagan lamang ng Department of Tourism (DOT) ang pinapayagan na makabalik operasyon base sa pagkumpleto sa guidelines na inilahad ng ahensya.

Sinuguro rin ng opisyal na mahigpit pa ring ipatutupad ang health and safety protocols laban sa virus lalo na ang 50% capacity ng resort lamang ang tatanggapin at ipatutupad din ang ‘no booking, no entry’ policy.

YOU MIGHT ALSO LIKE