!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Tourist destinations na posibleng puntahan ni PRRD, pinangalanan
By Alvin Baltazar - February 17, 2020 , 2:47 pm

May mga target nang lugar na posibleng puntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng una nang naging pahayag nito na kanyang sasadyain ang ilang mga tourist destination sa bansa sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease-19 (COVID-19).

Ayon kay Tourism Department Undersecretary Art Boncato, inaayos na lamang ang mga detalye hinggil sa naturang pagpunta ng Presidente sa mga kilalang tourist spot sa bansa.

Ang mga lugar na sinabi ni Boncato na posibleng sadyain ng Chief Executive ay ang Boracay, Cebu at Bohol.

Posibleng mangyari umano ang paglilibot ng Pangulo bago matapos ang Pebrero o sa Marso depende sa availability ng magiging schedule nito.

Target ng gagawing hakbang ng Punong Ehektubo na ipakita ang ganda ng Pilipinas partikular ang mga popular na beach sa bansa at makahikayat ng turista lalo’t papasok na ang summer season.

YOU MIGHT ALSO LIKE