Transport fare discount sa mga guro, itutulak ng isang kongresista
By Rene Tichangco - July 11, 2019 , 10:29 pm

Inihayag ngayon ni Biñan City Rep. Marlun Alonte Naguiat na ang mga guro sa publiko at pribadong paaralan ay dapat ding bigyan ng transport fare discount katulad ng mga mag-aaral.

Ayon kay Naguiat na ang natatanggap na 20 porsyentong diskuwento ng mga mag-aaral ay dapat ding ipagkaloob sa mga guro na iginagalang ng lahat.

Sinabi ng Biñan solon na ang paggalang na ito ay dapat suklian sa pamamagitan ng diskuwento sa pamasahe ng mga guro.

Ihahain ng kongresista ang panukalang batas hinggil sa transport fare discount para sa mga guro sa 18th Congress at umaasang ikukunsidera ito ng kapwa kongresista para maipasa.  | ulat ni Rene Tichangco

YOU MIGHT ALSO LIKE