1.5-M doses ng Sinovac COVID vaccine, inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan
By Nimfa Asuncion - February 23, 2021 , 4:11 pm

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairperson Senator Sonny Angara na nasa 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, ang inaasahang maide-deliver na sa Pilipinas bago matapos ang buwan ng March.

Sa interpellation ng panukalang COVID-19 vaccination program o Senate Bill 2057, sinabi ni Senator Angara na siyang tumatayong sponsor ng panukala, na ayon sa Inter Agency Task Force (IATF) ay dalawang linggo mula ngayon inaasahang mapipirmahan ang supply agreement para sa Sinovac vaccine.

Matapos nito, ay saka ide-deliver sa bansa ang mga bakuna bago matapos ang buwan ng March.

Matatandaang ang darating na mga bakuna sa susunod na buwan, ang initial batch lamang ng 25 million doses ng Sinovac COVID19 vaccine na nakuha ng Pilipinas.

Maliban dito, mayroon pang ibibigay ang gobyerno ng China na 600,000 doses ng Sinovac vaccine.

YOU MIGHT ALSO LIKE