!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
2 bigtime drug personalities, nahuli na ng PDEA sa Taguig City
By Rey Ferrer - September 12, 2019 , 7:12 am

Nahuli na ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service ang dalawang big time drug personalities sa Taguig City na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

Sa ginawang anti-drug operation ng PDEA, nahuli sa tapat ng St. Joseph Chapel sa Levi Mariano St. sa nasabing lungsod sina Aijo Dinglasan Akaoka alyas Noel at Christian Reyes Aguilar.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortez, si Aguilar ang siyang may direct contact sa source ng iligal na droga sa lalawigan ng Cavite na kilala lamang sa pangalang Dave.

Habang papel naman ni Aijo ang maghanap ng buyer nito.

Base sa records ng PDEA, nakulong na ng anim na taon si Christian Aguilar sa Camp Bagong Diwa noong taong 2002 hanggang 2008 dahil sa kasong robbery at carnapping.

Sa ikinasang buy bust operations nabawi sa kanila ang ilang gramo ng shabu at paraphernalia.

YOU MIGHT ALSO LIKE