!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
2 BuCor official na pinatawan ng humanitarian contempt, pinalaya na ng Senado
By Nimfa Asuncion - October 9, 2019 , 9:20 pm

Pinakawalan na ng senado ang dalawang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinatawan ng humanitarian contempt o pansamantalang pagkakakulong sa Senado upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon at Justice Committee kanina, nirekomenda na ni Senador Richard Gordon ang pagpapalaya kina Corrections Senior Insp. Mabel Bansil at Officer 3 Veronica Buño.

Ang desisyong ito ni Gordon, ay base na rin sa hiling ni Buño na makauwi na dahil napaulat na nawawala ang kanyang anak.

Nais rin aniyang matiyak ng dalawa ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya.

Sinang-ayunan naman nina Senate President Vicente Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang rekomendasyon ni Gordon.

YOU MIGHT ALSO LIKE