2 overseas Filipinos, nasawi dahil sa COVID-19
By Hajji KaamiƱo - March 26, 2020 , 8:41 am

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pilipino ang namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa.

Sa datos na inilabas ng DFA, ang mga Pinoy na nasawi ay mula sa Europa at Asia Pacific Region.

Umakyat na rin sa 169 ang bilang ng overseas Filipinos na tinamaan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 77 ang ginagamot pa sa ospital habang 90 ang gumaling na.

Dagdag pa ng ahensya, ang mga kababayan nating nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa 25 bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE