!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
2020 Proposed budget ng Office of the Vice President, lusot na sa plenary deliberations
By Kathleen Forbes - September 18, 2019 , 7:02 pm

Mabilis ring nakalusot sa plenary deliberations ang  P671-million proposed 2020 budget ng Office of the Vice President.

Bago ito, nagbigay ng manifestation sina Representative Gabriel Bordado ng Camarines Sur at Kabataan party-list Representative Sarah Elago para sa dagdag na pondo para sa opisina ng bise presidente.

Bilang suporta anila ito sa mga programa ng opisina, tulad ng Angat Buhay, na tumututok sa mga sectoral group at mga urban poor group.

Personal namang dumalo si Vice President Robredo kanina na nagpaabot ng pasasalamat sa suporta ng mga mambabatas.

Usec. Boyet Dy – OVP

Pahayag ni Usec. Boyet Dy, chief of staff ni Vice President Leni Robredo hinggil sa paglusot ng OVP budget sa plenary deliberations ng Kamara. | via Kathleen Jean Forbeswww.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, September 18, 2019

YOU MIGHT ALSO LIKE